Hikaru1214 (Paradise)

[ New messages · Members · Forum rules · Search · RSS ]
  • Page 1 of 1
  • 1
Forum » Romantic... » How Sw♥♥t? » Novels...
Novels...
chymez09Date: Friday, 2009-02-27, 7:44 AM | Message # 1
Sergeant
Group: Administrators
Messages: 20
Reputation: 6
Status: Offline
guys... kung gusto niyong malaman ang past na series and etc... come here lang... ipo-post ko lahat ng series ni te jeje at te cherry.. please come here if you want.. weee

ps: ang latest o updated na novel nila ay sa novel section dun sa main page nio makikita... kung gusto niyong malaman ang bagong release nila na nasa mga nbs pa ngayon, punta lang kayo dun sa main page at click ang novel section...

pps: ang ibang pinost ko dito ay baka ire-reprint kaya hintay-hintay lang kayo sa new... and enjoy!!

first i'll post ang bagong tapos lang na stallion... wink

#1 batch 1: JUBEI BERNARDO
BY SONIA FRANCESCA

Nagrerebelde si Temarrie. At sa gitna ng pakikipagsapalaran niya sa galit ng kanyang ama, mga kapatid at pesteng holdupper, nakilala niya si Jubei. Kasalukuyang nakikipagnegosasyon siya noon sa holdupper nang sumulpot na lang ang binata mula sa kung saan. Nailigtas siya nito pero hindi ang pera niya.
Napundi yata sa kanya ang binata sa kakakulit niyang bayaran nito ang kanyang perang nawala nang dahil dito kaya bigla na lang siyang pinakulong nito. Ayon dito, isa siyang miyembro ng malaking sindikato. Isinumpa niya ito sa lahat ng santong kilala niya. Pero ang hindi niya inakala, sa lahat ng santo ring iyon siya haharap... kasama ng binatang isinumpa niya.
Because Jubei was the man her father wanted her to marry. Ngunit ang matindi, narinig at nakita pa niya ang binata nang mag-propose ito ng kasal sa ibang babae.
O, 'di ba, ang saya?

#2 batch 1: ENERU VILLASIS


BY SONIA FRANCESCA
Jhunnica had always loved Eneru's scent. Kaya naman kahit hindi niya agad ito natandaan at nakilala nang muli silang magkita, nang dahil sa pabango nito ay naalala niya kung sino ito. He was the boy who always followed her around back in high school.
"Eneru Villasis?" Nakanganga na lang siya nang sundan ng tingin ang papalayong sasakyan. "Ikaw na iyan?"
Anak ng teteng! Ano ba ang pinagkakaabalahan niya noong high school sila at hindi niya pinansin ang napakaguwapong nilalang na iyon noon?

#3 batch 1: GINO SANTAYANA
BY SOFIA

Gino Santayana was the type of guy who had an X mark on Miles. He was too handsome, too lovable, and any girl could easily fall for him. Pero ito rin ang lalaki na walang katiyakan kung mamahalin din siya. And she thought that the best decision she made was when she refused him.
She tried to escape from his memory. Nagtrabaho siya sa Rider's Verandah sa Stallion Riding Club para tuluyang iwasan ito. Pero mukhang hanggang doon ay hinahabol pa rin siya ng multo nito.
Could she escape from him again or she would just let him catch her heart?

#4 batch 1: HIRO HINATA
BY SOFIA

Nang magtapon yata ang Diyos ng kamalasan sa mundo, nasalong lahat ni Jemaikha. Hindi niya nakuha ang sweldo niya, kinain ang ATM card niya, nadukutan siya ng pera at nakita niya ang first and only love niya na si Hiro habang mukhang binagyo ang pagka-ganda-gandang buhok niya. At ang masaklap, sinabi nito na may girlfriend na ito. Pakiramdam tuloy niya ay pinagkaitan siya ng tadhana ng karapatan na sumaya.
Hiro was the only man who could make her happy. But he was also the only man she couldn't have. Dahil kung mamahalin muli nila ang isa't isa, siya rin ang makakasira dito.
Pero kaya ba niyang layuan ang kaligayahan niya?


[IMG]http://i41.tinypic.com/xcp2ir.jpg[/IMG]
And so the Lion fell in love with the Lamb...
 
chymez09Date: Friday, 2009-02-27, 1:49 PM | Message # 2
Sergeant
Group: Administrators
Messages: 20
Reputation: 6
Status: Offline
#5 Batch 1: REIGAN BALTAZAR
BY SONIA FRANCESCA

It was strange that the most annoying
man in her life could make her feel better
on the most annoying night of her life.

Kaaway ang tingin ni Sierra kay Reigan.
Kaibig-ibig naman ang tingin ni Reigan sa kanya.
Hindi magkasundo ang kanilang mga puso dahil sa kanilang nakaraan na kasalanan ng binata. Kaya ngayon, pahirapan ang pagkuha nito sa pag-ibig niya.
"Kailan ka ba maniniwalang gusto talaga kita, Sierra?"
"Kapag naging square na ang buwan."
Pero dahil sa kagagawan ng makulit na pamangkin niya, nagkaroon ng square na buwan. Green pa ang kulay.
Maniwala na kaya siya sa mga sinasabi ng binata?

#6 batch 1: NEIJI VILLARAZA
BY SONIA FRANCESCA

"I fell in love with you the moment I saw you because
you were the one I was waiting for my whole life."

Boring ang buhay ni WINRI. Wala na siyang social life, wala pa siyang love life. And she was not getting any younger. Kaya nang mamatay ang matandang dalagang tiyahin niya, nangako siya sa kanyang sarili na hinding-hindi siya matutulad sito na namatay nang malungkot at walang kasama.
Nagbago ang lahat sa buhay niya nang makita niya isang madaling-araw si Neiji Villaraza sa isang cafe bar. She immediately fell for him. Ang problema, isang beses lang na nakita niya ito at imposible na muli silang magkasama.
Hanggang sa manalo siya sa isang raffle promo. Ang premyo? A date with one of the product's hunk endorsers. Neiji was one of them. She could have her chance again. Pero iba ang sumundo sa kanya.
Where was her chance?

#7 Batch 1: YUE ANTHONY ZENG
BY SOFIA

"Ikaw lang ang nakakapagpatawa sa akin. At ikaw
lang din ang hinayaan kong makaalam ng mga
weaknesses ko. You have the power to break my heart."

Quincy desperately wanted freedom from Yuan, her fiance who didn't even know who she really was and what she really wanted. Pero maganda ang reputasyon ni Yuan. He was one of the top ten young businessmen in the country. And a respected one, too. At walang babaeng naidikit sa pangalan nito. He seemed like the perfect man for her.
Kaya nagtrabaho siya sa Stallion Riding Club, ang secret hideaway ni Yuan. Gaya ng inaasahan niya, nasa lugar na iyon ang mga secreto nito na magagamit niya para makawala siya rito.
But she started to change her mind the moment he kissed her...

#8 Batch 1: GABRYEL HONASAN
BY SOFIA

"Kahit naman saan tayo magpakasal o kahit ano pang klase ng asal, okay lang sa akin. All I want is to spend my whole life with you."

Reality was harsh for Sindy. Iniwan niya ang buhay-prinsesa upang tuparin ang pangarap niya: ang maging romance novel writer. Malayo iyon sa pangarap ng pamilya niya para sa kanya.
But when Gabryel Honasan, the man she refused to marry four years ago, stepped back into her life, her life went haywire.
At para makabawi sa lahat ng kamalasan niya, ini-offer nito ang magandang bahay nito sa Stallion Riding Club para doon muna siya mamalagi.
And she suddenly wished that Gabryel was a real Prince Charming.
Would a simple kiss make him realize she was the one for him? Or would everything pour down to the harsh reality that he was not the one for her?


[IMG]http://i41.tinypic.com/xcp2ir.jpg[/IMG]
And so the Lion fell in love with the Lamb...
 
chymez09Date: Saturday, 2009-02-28, 12:04 PM | Message # 3
Sergeant
Group: Administrators
Messages: 20
Reputation: 6
Status: Offline
BATCH 2

#9 Batch 2: BRAD CRAWFORD
BY SONIA FRANCESCA

"What's wrong with falling in love with me?"

Aminado si Chiza na karamihan sa mga miyembro at may-ari ng Stallion Riding Club ay guwapo. Pero hindi siya padadala. Naroon siya para sa trabaho at negosyo, at hindi sa anupamang bagay.
Pero dahil sa di-sinasadyang insidente, nakilala niya ang guwapo, berde ang mga mata, at may British accent na si Brad. Nang mahulog siya mula sa isang puno dahil sa pag-atake sa kanya ng mga langgam, ito ang nakasalo sa kanya habang nangangabayo ito.
Oo, napilayan siya sa aksidenteng iyon. Pero kung mayroon mang magandang naidulot iyon sa kanyang buhay, iyon ay ang magkaroon ng pagkakataong maalagaan siya ni Brad.

#10 Batch 2: RODJAN STA. MARIA
BY SONIA FRANCESCA

"You know, kung hindi mo lang pinasakit ang ulo ko, maganda ka sana."

Sonja was a writer. Rodjan was a painter.
Pareho silang artists pero sa halip na magkasundo, palagi silang nagbabangaan. Hanggang sa mapasok sa usapan ang Stallion Riding Club, ang elite club na pangarap mapasok ni Sonja.
"You're plain ang ordinary." wika ni Rodjan. "No one would look at a woman like you twice."
"You're ugly and you're dirty. Sino ang mabubuhayan ng hasang sa iyo?"
Pero iba ang nangyari nang magkita uli sila sa naturang club. Rodjan was now one of the most handsome members Sonja had ever seen. And she couldn't help but fall for him.
"Stay away from me," deklara ng binata sa harap niya.
"You want me to stay away from you. Pero ikaw naman ang laging lumalapit sa akin."
Sino kaya sa kanila ang may problema?

#11 Batch 2: KAI MONTEZOR
BY SONIA FRANCESCA

"Sabi nila, no man is worth a woman's tears. The only one who's worth her tears is the one who knows he could make her cry... but would never ever..try."

Kai was a freakin' playboy. kilala ni Zia ang binata hanggang sa kaliit-liitang himaymay ng pagkatao nito. Saksi kai siya sa mga adventures nito sa mga baba. Paano ay bahagi siya niyon.
Siya ang tagapagligtas ni Kai tuwing gusto na nitong makipaghiwalay sa girlfriend nito. Nagpapanggap silang magkasintahan, mag fiancee at mag-asawa. Lahat naman ng gimik, pinapatulan ng mga babae nito. He was always free because of her. But for the right price.
Hanggang isang araw, she just had enough. Ayaw na niyang tulungan ito. Lalo na dahil ang sarili niya mismo, hindi niya matulungan upang pigilang mahulog ang loob dito.

#12 Batch 2: YOZACK FLORENCIO
BY SONIA FRANCESCA

"Women kiss me all the times, for no particular reason. I don't mind. Ikaw, kung gusto mo uli akong halikan, go ahead. Iwon't mind at all."

Mataas ang tingin ni Diosa sa kanyang sarili. She could get all the attention she wanted--when she needed it, where she needed it. Iyon kasi ang nakaanayan niya.
Hanggang isang lalaki ang sumira sa natural na pag-inog ng mundo niya. Si Yozack--ang lalaking basta na lang niya hinalikan at pagkatapos niyon ay ni hindi man lang siya hinabol para tanungin. She got curious about him. Until one dy, she realized she wasn't just curious about him.
"I'd like to be your friend," wika sa kanya ni Yozack. "If it's okay with you."
Of coure it was not okay. Because she had fallen in love with him!



[IMG]http://i41.tinypic.com/xcp2ir.jpg[/IMG]
And so the Lion fell in love with the Lamb...
 
hikaru1214Date: Monday, 2009-03-02, 1:41 PM | Message # 4
Admin
Group: Administrators
Messages: 26
Reputation: 0
Status: Offline
Hey chymez.....this guyz are so...... think shy
 
Forum » Romantic... » How Sw♥♥t? » Novels...
  • Page 1 of 1
  • 1
Search: