Unang nagkita sina Nova at Jigger sa isang coffee shop. At
hindi iyon nagustuhan ni Nova—dahil pinagmukha siya nitong tanga nang magpanggap
itong may-ari niyon. At hindi rin niya gusto ang paraan ng pagkakatingin nito sa
kanya. Dahil may kakaiba siyang nararamdaman sa mga tingin nito. Para kasing
inaakit siya nito, lalo na kapag sinasabayan pa nito iyon ng pagngiti. Hanggang
sa lumapit ito sa kanya. At halikan siya nang walang kaabug-abog. Nang dalawang
beses. Hinayaan lang niya ito. Iyon ang eksenang naabutan ng boyfriend
niya. She walked out on him to follow her boyfriend. Pero mukhang nakatakda
na talagang magkasala-salabid ang mga landas nila ni Jigger na tila may kung
anong puwersang nagmamanipula ng lahat.
Nova fell in love with Jigger Samaniego. Inakala niyang
pareho lang ang nararamdaman nila. Hanggang sa nalaman niyang lumalapit lang
pala ito sa kanya dahil kahawig niya ang isang babaeng naging espesyal dito.
That was her friend Jeuliette, who was in love with Trigger, Jigger’s twin. Ang
pinakamatindi, ito mismo ang nagsabi sa kanya ng katotohanang iyon. She hated
Jigger for breaking her heart. Kaya mula noon ay isinumpa niyang oras na makita
niya ang lalaki ay gaganti siya rito. Pinagbigyan naman siya ng tadhana.
Pagkaraan ng isang taon, muling nagkrus ang mga landas nila. Tumalikod nga lang
siya dahil hindi niya inaasahang titibok pa rin nang ganoon katindi ang puso
niya para sa lalaking bumigo sa kanya. Lalong naging komplikado ang
paghihiganti kuno niya nang tuluyan niyang makaharap si Jigger. Nalaman kasi
niyang hindi pa rin pala niya tuluyang napapatay ang damdamin niya para
dito. Paano na ngayon ang hustisyang hinahanap ng kanyang puso?